Julie Anne San Jose, binalikan ang pagganap bilang Celina sa ‘My Guitar Princess’

Bakit hindi makalilimutan ni Julie Anne San Jose ang kanyang dating daytime series na ‘My Guitar Princess?’

Halos magdadalawang taon na nang natapos ang rom-com series na pinagbidahan ng Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose, ang My Guitar Princess, pero itinuturing pa rin niya itong isa sa pinakapaboritong soap na ginawa niya.

Naikuwento ni Julie na “very personal” ang character niya sa soap na si Celina sa ginanap na online chikahan kasama ang entertainment media na inihanda ng Corporate Communications Department ng Kapuso Network kamakailan.

Paliwanag niya, “Number one, kasi it’s like a musical show, may mga songs na involved and very personal sa akin ‘yung character ko dun.

“As in sobrang nakaka-relate ako sa character. Kumbaga, may mga dreams kasi dun ‘yung character ko [Celina] doon na, ‘Oh, balang araw sana maging singer ako,’ or sana makapag-perform ako sa audience ganyan.”

Dagdag din ng award-winning Kapuso star na nakikita niya ang kanyang sariling kuwento sa buhay ni Celina, na pangarap maging sikat na singer.

“It’s about music, so sobrang relatable siya for me and not just about music, but may mga lines kasi kami dun na sobrang nakaka-relate din ako.

“Yeah, ‘yung personality din ng character ko si Celina sobrang hardworking niya.’Tapos, madami siyang mga pangarap sa buhay. Nakikita ko rin ‘yung sarili ko sa character ko.”

Kamusta naman kaya ang experience makatrabaho ang mga leading man niya na series na sina Gil Cuerva at Kiko Estrada?

Alamin sa buong panayam ni Julie Anne San Jose sa Kapuso Showbiz News.

 

Source: https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/64042/julie-anne-san-jose-binalikan-ang-pagganap-bilang-celina-sa-my-guitar-princess/story
By Aedrianne Acar
Published On: May 28, 2020, 12:46 PM