Julie Anne San Jose, excited para sa mga mapapabilang sa ‘The Clash Season 3’

Sa recent online interview kasama ang Asia’s Pop Diva na si Julie Anne San Jose, naibahagi niyang on-going pa rin ang online auditions para sa The Clash Season 3. Hanggang June 28 pa ang auditions at masugid raw ang pagsi-screen sa mga nagpapadala ng entries.

Aniya, “Kasi may mga nagsa-submit po na parang hindi maganda ‘yung quality or hindi maganda ‘yung tunog, so kailangan mai-screen po lahat ‘yun. And then lately nag-livestream po kami with The Clash. Tapos na-explain naman din po ‘yung mechanics kung ano po ‘yung do’s and dont’s doon po sa pag-o-audition din po.”

Natanong rin ang The Clash Master kung handa na ba siya sakaling mag-taping na muli ang programa, “Hindi pa po kami nabi-brief about that, pero right now mas naka-focus muna kami ngayon sa online content po namin. Kasi madami din po nagsa-submit ng mga entries nila and audition tapes, so ini-screen naman po namin lahat ‘yun.”

 

 

Source: https://phentertainment.net/julie-anne-san-jose-excited-para-sa-mga-mapapabilang-sa-the-clash-season-3/2886