Julie Anne San Jose, happy at proud sa tagumpay ng ‘Pepito Manaloto’

Happy at proud si Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose sa patuloy na tinatamasang tagumpay ng award-winning family sitcom ng GMA na Pepito Manaloto. Nito lang Marso ay pinagdiwang ng programa ang ika-10 anibersaryo nito.

Gumaganap si Julie bilang Nikki na ex-girlfriend naman ng anak ni Pepito (Michael V.) na si Chito (Jake Vargas).

Aniya, “I’m very happy with Pepito Manaloto and sobrang promising po ‘yung show and, siyempre, hindi lang siya nakakatawa, nandun lahat ng emotions, e. Parang naging roller coaster ‘yung emotions sa Pepito Manaloto, when it comes to like script.”

Malaki rin ang paghanga niya sa multi-awarded comedian na si Michael V. na parte ng creative team ng top-rating program.

“Sobrang talino ng writers, si Kuya Bitoy, sobrang like, wow, sobrang lodi, grabe! Siyempre, sa lahat ng bumubuo ng Pepito Manaloto, sobrang thankful kasi award-winning show,” dagdag pa niya.

Ayon kay Julie, napakarami ng pinagdaan ng kanyang karakter sa programa maging ng tambalan nila ni Jake.

 

 

Source: https://phentertainment.net/julie-anne-san-jose-happy-at-proud-sa-tagumpay-ng-pepito-manaloto/2745