Crystal Paras on why she admires Julie Anne San Jose: “More than a triple threat siya”

Ibinahagi ni Crystal Paras kung bakit sobra ang paghanga niya kay Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose.

Sa Instagram stories ni Crystal Paras ay may nagtanong kung ano ang masasabi niya sa kanyang idolo na si Julie Anne San Jose.

Unang nilinaw ng StarStruck Season 7 Avenger na hindi sila personal na magkakilala ni Julie, pero kitang kita umano niya ang pagmamahal ng Asia’s Pop Diva sa kanyang craft.

“This is for everyone asking about ate @myjaps… I mean I don’t even have to know her personally as in personaaaally (na dream ko pa rin until this day bahaha) to know that she’s hardworking and puts her whole heart into her craft. YOU LITERALLY SEE IT WHEN SHE PERFORMS.”

Minsan nga daw ay hindi niya namamalayan ang oras kapag nanonood siya ng performances ng Asia’s Pop Diva.

“Sometimes, I literally don’t notice that I’ve spent hours just watching her performances on YouTube/ Twitter during my free time and I’ll never get tired!!!

“She writes meaningful songs and beautiful melodies that make someone who isn’t heartbroken (like me) STILL get all the feels.”

Kapag nakikita umano ni Crystal si Julie ay ramdam niya ang pagiging humble at approachable nito.

“Sobrang humble at approachable kahit feeling ko baka naiilang siya pag nabubuang ako when I see her in person and say hi.”

Sa huling parte ng kanyang post ay sinabi ni Crystal na more than a triple threat si Julie bilang isang performer.

“Sis ang dami kong pwedeng sabihin eh. Triple threat siya. Actually more than a triple threat pa lahat kaya niya gawin kaya hindi lang basta-basta na ‘idol’ ko siya. I love you Julie.”

 

 

Source: https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/63768/crystal-paras-on-why-she-admires-julie-anne-san-jose-more-than-a-triple-threat-siya/story
By Maine Aquino
Published On: May 21, 2020, 04:47 PM