#AskJulie ni Julie Anne San Jose nag-trend sa Twitter

Binaha ng tanong sa Twitter si Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose sa kanyang Q&A.

Pasok sa top trending list sa Philippines ang #AskJulie, kung saan nagawang makapag-bonding ng Kapuso award-winning singer sa kanyang fans.

Isa sa mga tinanong kay Julie ay kung ano’ng soap na pinagbidahan niya ang pinaka-favorite nito.

Tugon ni Julie na ang serye niya noong 2018 na My Guitar Princess kung saan nakasama niya sina Gil Cuerva at Kiko Estrada ang pinakagusto niya.

Ano naman kaya sa mga kanta niya ang pinakamasakit?

 

Hindi naman nakalimutan ni Julie Anne na magbigay paalala sa mga netizen na mag-ingat lalo na ngayon na may coronavirus crisis at huwag kakalimutan na mag-dasal.

“Stay safe everyone. ‘Wag kalimutang magdasal. God bless us all!”

SOURCE: https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/hobbies/60690/askjulie-ni-julie-anne-san-jose-nag-trend-sa-twitter/story

By Aedrianne Acar
March 19, 2020