WATCH: Willie Revillame, nagpasalamat sa singers na nag-perform nang libre sa kanyang birthday sa ‘Wowowin’

Nagpaabot ng pasasalamat si Willie Revillame kina Julie Anne San Jose, Rachelle Ann Go, Gerphil Flores, Marcelito Pomoy at Nina sa February 5 episode ng Wowowin.

Pagpuri ng Kapuso host, hindi daw nag-atubili ang limang singers na mag-perform para sa kanyang birthday episode.

Matatandaang nag-live ang Wowowin noong January 27, mismong kaarawan ni Willie, hindi para mag-celebrate ngunit para maghatid ng inspirasyon at tulong sa mga biktima ng bulkang Taal.

Maraming volunteers ang nakasama ni Willie sa programa at ilan dito ay ang mga batikang mang-aawit na nag-peform nang libre para sa paghahatid ng pag-asa sa ating mga kababayan.

Pahayag ng Wowowin host tungkol sa kanila, “So ‘yung limang nag-perform na ‘yun, isang tawag lang namin for charity at pagbibigay ng tulong, wala silang siningil. Sila po ay nag-perform dito sa Wowowin noong aking kaarawan. Salamat ah!”

Panoorin:

 

 

Source: https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/wowowin/59255/watch-willie-revillame-nagpasalamat-sa-singers-na-nag-perform-nang-libre-sa-kanyang-birthday-sa-wowowin/story?utm_source=GMAEntertainment&utm_medium=Twitter&utm_campaign=tv
By Cherry Sun
February 7, 2020