WATCH: Julie Anne San Jose, Christian Bautista, kumasa sa fun tapatan

Walang dudang palaban sa kantahan sina Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista dahil pati ang Unang Hirit Triple Fun Challenge ay hindi nila inayawan.

Ang dalawang Kapuso vocal powerhouse ay magsasama sa “The Sweetheart and the Balladeer: Fun Night Only” concert na gaganapin sa Sabado, February 8.

Special guest nila sa much-awaited show sina Kapuso star Kyline Alcantara, Donita Nose at Super Tekla.

Pero bago ito, kumasa muna sina Julie Anne at Christian sa Unang Hirit Triple Fun Challenge, kung saan nasukat kung gaano nila kakilala ang isa’t isa.

Panoorin kung ano ang kinalabasan ng Imitate Challenge, Song Title as Caption Challenge at Best Songs for their Emotions Challenge nina Julie Anne at Christian sa Unang Balita report na ito:

 

 

Source: https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/59097/watch-julie-anne-san-jose-christian-bautista-kumasa-sa-fun-tapatan/story?utm_source=GMAEntertainment&utm_medium=Twitter&utm_campaign=showbiznews
By Dianara Alegre
February 3, 2020