Julie Anne San Jose ready to fall in love again, but wants to focus on work

Is Julie Anne San Jose ready to fall in love again? She replies, “Right now, I just wanna focus sa lahat ng mga gagawin ko for this year. I just wanna focus on work. Sa lahat ng mga opportunities, sobrang grateful ako with everything.” PHOTO/S: Kapuso PR Girl Instagram

Mahigit isang taon na ang lumipas nang aminin ni Julie Anne San Jose ang hiwalayan nila ni Benjamin Alves.

Mayroon nang bagong non-showbiz girlfriend si Benjamin.

Tapos na si Julie Anne sa healing process, pero handa na ba siyang pumasok sa panibagong pakikipagrelasyon?

“I think I am ready,” matamang sagot ni Julie Anne.

Pero dagdag niya, “Right now, I just wanna focus sa lahat ng mga gagawin ko for this year. I just wanna focus on work.

“Sa lahat ng mga opportunities, sobrang grateful ako with everything.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne nang i-launch siya ng National Commission on Culture and Arts (NCCA) bilang Music ambassador nitong Enero 28, Martes, sa NCCA Bldg., Intramuros, Manila.

JULIEVER TANDEM

Nabuo ang tambalang JulieVer nina Julie Anne at Rayver Cruz sa production numbers sa defunct musical-variety show na Studio 7.

Hopia ang ibang fans na magkatuluyan siya, kahit hindi naman kaila na si Rayver ay may karelasyon na sa katauhan ni Janine Gutierrez.

Ngunit iginiit ni Julie Anne na magkaibigan lamang sila ni Rayver.

“Si Rayver, he’s like a brother to me. He’s like a bigger brother, a kuya.

“He has Janine, and I’m a fan of their relationship, sobra.

“Pareho lang kami na friends, pare-pareho kaming friends.

“Friend ko si Janine, friend ko si Rayver.”

Nagpapasalamat naman si Julie Anne sa mainit na suporta ng mga tagahanga nila sa kanilang tambalan.

“Siyempre, nagpapasalamat kami. Nagpapasalamat ako sa pagsuporta sa amin individually.

“And yun, nakaka-partner ko si Rayver sa ibang mga projects, especially sa mga production numbers, usually magkasama kaming dalawa.

“Just very careful for everyone.”

MUSIC AMBASSADOR

Bilang Music ambassador ng NCCA, naniniwala si Julie Anne na maganda pa ring makilala natin ang ating kultura at sining sa kabila ng modernong teknolohiya ngayon.

Pahayag niya, “Ang mga kabataan kasi ngayon, mas engaged sila sa technology.

“I’m not trying to badmouth or say anything about technology. Mas maganda sana kung mas makikilala nila yung kultura natin, yung sining, which is very, very important.

“Kasi, tayong mga Filipino, kailangang alam natin kung saan tayo nanggaling, kung saan ang roots natin.”

 

 

Source: https://www.pep.ph/news/local/149055/julie-anne-san-jose-ready-to-fall-in-love-again-a739-20200131
By Melba R. Llanera 
January 31, 2020