Julie Anne gets asked about headlining new Kapuso Sunday noontime show with Alden Richards

PHOTO/S: Jerry Olea / @aldenrichards02 Instagram
Bali-balita na sina Julie Anne San Jose at Alden Richards ang frontliners ng bagong Sunday noontime show na ipapalit ng GMA-7 sa Sunday PinaSaya.

Base sa mga teaser na lumabas, posibleng AyOS o All Out Sunday ang title ng bagong noontime show ng Kapuso network.

“Hindi pa po kasi kami kinakausap, kaya paano ba, wala pa rin po talaga akong masasabi,” nakangiting sabi ni Julie Anne.

Kung sila man ni Alden, wala raw magiging problema sa kanya kung mas madalas silang mapapanood na magkasama.

“Why not, yes, ano naman po, ako naman, I’m open to work with anyone,” sabi niya.

Handa na rin kaya ang fans, lalo na ang mga tagahanga ni Alden kung sila ang madalas na mapapanood na magkasama? Tapos na kaya ang mga pamba-bash?

“I’d like to think. Kasi, in the first place, wala naman po talagang issue. At saka, nagkakasama naman kami ni Alden sa mga events. Wala naman pong problema,” saad ni Julie Anne.

Kumusta sila ni Alden kapag off-cam, nagkakausap ba sila?

“Sobrang bihira na lang din po kaming magkasama. But when we really get the chance to meet each other, of course, civil naman po. Okay naman po.”

Nakausap ng pep.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa contract signing niya bilang female Lee Jeans Ph’s ambassador kamakailan sa Victorino’s Restaurant, QC.

Sa Japan ang plano ni Julie Anne na mag-celebrate ng Kapaskuhan.

Aniya, “I’ll be spending Christmas season with my family. I think, sa December 19 yata ang alis namin kasi, I’ll be back before New Year because of the countdown.

“Actually, dalawang countdown ang pupuntahan. Yung isa, sa Philippine Arena sa December 30. Actually, tatlong araw po kasi yun, kaso, hindi po ako puwede sa 31.”

Para kay Julie, ang 2019 ay maraming magagandang oportunidad na nangyari sa career niya.

“It’s been really great. Ang daming nangyari. Siguro, mas naging roller-coaster ride for me ang last year. Pero ngayon, puro work po talaga at ang daming blessing ni Lord.”

Sa 2020, gusto ba niya na mala-roller coaster pa rin ang mangyari sa kanya?

“It’s gonna ba a year of great opportunities. It’s gonna be great. I’m excited,” saad niya.

Kaya na ba niyang pagsabayin ang career at love life sa 2020?

“We’ll see about that,” natawang sabi niya.

“But you know, I just want to focus muna sa work. At saka marami rin po kasing inaasikaso. I wanna focus my energy on work muna like songwriting and concert.”

 

 

Source:https://www.pep.ph/guide/tv/148169/julie-anne-gets-asked-about-headlining-new-kapuso-sunday-noontime-show-with-alden-richards-a746-20191213/?utm_source=Facebook-Pep&utm_medium=Ownshare&utm_campaign=20191213-fbnp-tv-julie-anne-gets-asked-about-headlining-new-kapuso-sunday-noontime-show-with-alden-richards-a746-20191213-fbfirst
By Rose Garcia 
December 13, 2019