Julie Anne walang lovelife, pero sunod-sunod ang swerte sa career

JULIE ANNE SAN JOSE

KAHIT walang lovelife, umaapaw naman ang blessings sa buhay ng Kapuso Asia’s Sweetheart na si Julie Ann San Jose.

Ayon sa dalaga, hindi muna niya iniintindi ang pagkakaroon ng boyfriend o special someone, sa dami ng dumarating na trabaho sa kanya ngayon ay hindi na niya naiisip ang tungkol sa love.

Talagang humataw ngayong 2019 si Julie Anne, bukod sa kaliwa’t kanang concerts at shows, sunud-sunod din ang natanggap niyang awards kabilang na ang Personality of the Year from the Asia Music Icon Awards in Malaysia, and PPop’s Most Favorite Pop Female Artist of the Year.

Isang malaking achievement din para sa kanya ang maka-collab ang musical legends na sina Jose Mari Chan at Rico Blanco.

“Ang daming blessings ni Lord, ang daming opportunities. I’m really grateful, and praying na mas marami pang opportunities sa 2020,” ang pahayag ni Julie Anne nang humarap sa entertainment media when she was launched as the newest ambassador ng iconic American brand, ang Lee Jeans.

Siyempre, feeling grateful and thankful ang dalaga sa bago niyang endorsement na aniya’y perfect ang timing sa pagdating sa kanyang career, “I’m happy to be part of the Lee family. Of course, I feel blessed and I’m grateful. I’m excited for what’s in store for next year.”

Ayon kay Julie, before pa siya kunin ng Lee bilang endorser, matagal na siyang nagsusuot ng mga produkto ng nasabing brand. Denim lover daw talaga siya kahit noong kabataan niya.

“Gusto ko comfortable ako, but at the same time fashionable. What’s good about jeans is that they’re very versatile and pwede mo siya i-incorporate with any kind of outfit,” aniya pa.

Asahan daw ng kanyang fans na sa darating na 2020 ay mas marami pa siyang gagawing exciting projects, “It’s gonna be a year of breakthroughs, I claim it. It’s gonna be great.”

Ayon naman kay James Parry, ang country manager ng Lee Jeans perfect ang tinagurian na ngayong Asia’s“Over the course of Julie’s career, she’s gone from singer to songwriter to actress to host…and finally, a style icon.

“Her social media presence is glorified today and I think her authentic style is gonna help bring across the message of authentic clothing. She’s the perfect fit for us,” pagmamalaki pa ni James.

 

 

 

Source: https://bandera.inquirer.net/235968/julie-anne-walang-lovelife-pero-sunod-sunod-ang-swerte-sa-career
By Ervin Santiago
December 08,2019