Julie Anne nadidiskubre na ang husay sa pagho-host!

Bongga si Julie Anne San Jose dahil siya ang new endorser ng Lee Jeans.

Nakita nang marami how Julie Anne is growing up to be a very fashionable, smart and avant garde lady.

Very sexy ang appeal niya na laging nakikita ng mga nanonood ng The Clash. At habang tumatagal, lumilitaw ang confidence ni Julie Anne sa kanyang mga kilos at pagsasalita kaya mahusay na siya na television host.

Added premium kay Julie Anne ang maganda na palitan nila ni Christian Bautista ng banter.

Gusto ko naman na marinig ang collaboration  nina Julie Anne at Mark Bautista dahil pareho sila na very soulful ang boses.

Kapag tumagal pa ang exposure ni Julie Anne, tiyak na lilitaw ang niche na para sa kanya dahil magaan niya na nagawa ang  hosting job sa The Clash na dating trabaho ni Regine Velasquez.

Ngayong nagsisimula na ang pagiging fashion model at endorser ni Julie Anne, tuluy-tuloy na ang lahat para sa kanya.

Perfect si Julie Anne for Lee Jeans. Perfect fit.

 

Source:https://www.philstar.com/pang-masa/pang-movies/2019/12/05/1974439/julie-anne-nadidiskubre-na-ang-husay-sa-pagho-host
By Lolit Solis
December 5, 2019 12:00am