Julie Anne ‘puno’ ang kaulayaw ngayong Pasko

Magpa-Pasko na naman at syempre marami ang naghahanap ng kayakap. Siyempre nga naman, malamig ang panahon kaya masarap ang may kayakap.

Kaya naman itong Kapuso singer na si Julie Anne San Jose ay tila napag-isipang yakapin na lang ang isang puno imbes na maghanap ng dyowa o someone special na mayayakap.

“Young and wild and tree,” caption ni Julie Anne sa kanyang post.

Well, single pa rin kasi ang singer kaya puno na lang muna siguro ang pansamantala niyang kayakap. Marami ang naka-relate sa litrato ng singer. Eh gano’n talaga ‘pag single, lahat ng bagay na puwedeng yakapin, ‘yun na lang. Wala eh, wala pang dumarating eh.

Mag-iisang taon na rin kasi nang mahiwalay ang singer sa kanyang ex-boyfriend na si Benjamin Alves.

Marami namang fan ang nainggit sa puno at nag-volunteer na sila na lang ang yakapin ng singer sa Pasko sa halip na puno ang kayakap nito para naman masaya.

 

 

Source:https://www.abante.com.ph/julie-ann-puno-ang-kaulayaw-ngayong-pasko.htm
By Athena Yap
December 2, 2019