Julie Anne San Jose feels honored to be nominated for Asian TV Awards

Tinuturing na malaking blessing ng Asia’s Sweetheart na si Julie Anne San Jose ang nominasyon bilang Best Actress in a Leading Role sa Asian TV Awards 2019 para sa kaniyang voice dubbing sa Japanese-Filipino anime na Barangay 143.

Kuwento ni Julie sa isang interview, “Actually, malaking bagay na rin po ‘yung ma-nominate pa lang sa isang award-winning body kumbaga bonus na lang if ever manalo and I’m just very happy.”

Dagdag niya, “First time ko po magkaroon ng isang dubbing project so nung first time ko po na gawin ‘yung dubbing for Barangay 143 medyo naging struggle siya for me kasi siyempre mas mild ‘yung boses, kailangan ma-execute mo siya nang maayos and lahat ng emotions ng characters kailangan marinig ng mga tao kasi hindi ako ‘yung nakikita nila sa screen eh, ‘yung anime mismo kaya kailangan bigyan ng emphasis ‘yung boses.”

Pumirma rin ng renewal of network contract si Julie na kasalukuyang isa sa hosts ng The Clash at mainstay ng Studio 7 at Sunday PinaSaya.

 

SOURCE: https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/55907/julie-anne-san-jose-feels-honored-to-be-nominated-for-asian-tv-awards/story

By Bianca Geli
October 26, 2019