WATCH: Compliment battle ng ‘The Clash’ hosts

Pinatinding tapatan at mas pinatinding hosts ang aabangan sa ikalawang season ng original Pinoy singing competition na The Clash.

Matapos ang ilang buwan ng masusing pagkilatis sa loob at labas ng bansa, napili na ang 64 finalists na magtatapatan sa The Clash arena.

Pero bago tagisan ng galing sa pagkanta, sinubukan muna ng Unang Hirit kung singgaling ng contestants ang hosts nito.

Kaya naman ngayong umaga napasabak sina Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Rita Daniela, at Ken Chan sa isang compliment battle.

Sino kaya ang matitirang matibay?

Panoorin sa video na ito:


Source: https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/54693/watch-compliment-battle-ng-the-clash-hosts/story?utm_source=GMAEntertainment&utm_medium=Twitter
By Cara Emmeline Garcia
September 16, 2019