Aniber-saya ng Sunday Pinasaya sa ‘Tonight with Arnold Clavio’

ANIBER-SAYA NG SUNDAY PINASAYA SA TWAC!

Ngayong Wednesday night, makakasama ni igan ang barkadang nagpapatawa sa atin tuwing Linggo!

Maki-party na with the Sunday Pinasaya gang, na binubuo nina Julie Anne San Jose, Bianca Umali, Kyline Alcantara, Gladys Guevarra, Jerald Napoles at Kim Last!

Nagdiriwang sila ngayong Agosto ng kanilang fourth anniversary kaya naman puno ng kasiyahan ang kanilang pagdalo sa TWAC. Tiyak na kaabang-abang ‘yan!

Magbubukuhan na kung sino sa kanilang grupo ang pinaka-joker, iyakin, malakas mang-asar at kung anu-ano pang bagay na hindi alam ng fans.

Sasalang din sila sa nakatutuwang game na kung saan gagamit sila ng tali at CD! Abangan ito!

Meron din special performance at trivia game kaya huwag pahuli sa aniber-sayang handog ng Sunday Pinasaya gang kasama si Igan!

Panoorin ang Tonight with Arnold Clavio ngayong August 7, 7:15pm sa GMA News TV Channel 27!

 

SOURCE: https://www.gmanetwork.com/news/publicaffairs/tonightwitharnoldclavio/703681/aniber-saya-ng-sunday-pinasaya-sa-tonight-with-arnold-clavio/story/
By GMA Network | Public Affairs
August 6, 2019